Sunday, July 7, 2013

POLITICAL WILL

Political Will lamang ang kailangan upang ang aming suhestiyon bilang solusyon sa lumalala pang problema sa traffic sa buong MM ay maipatupad.

Hindi imposible ang suhestiyon naming ito na patungan ng isa pang DECK ang buong kahabaan ng Edsa, C-5 Road, Quezon and Commonwealth Avenues in Quezon City.

Puedeng tularan o kopyahin bilang modelo ang world's longest bridge, the Lake Pontchartrain Causeway at New Orleans, Luisiana, USA, na merong haba na 23.8 miles!

Pinagsama-sama ng mga Engineers ang formula ng pagbuo ng mga sinaunang tulay no'ng 18th century, 'gaya ng PIER, TRUSS and ARCH principles para mabuo nila ang tulay ng Pontchartrain upang makatawid ang mga sasakyan sa kabilang pampang ng Mississippi river na siyang nagpaunlad sa komersiyo roon.

ANA: "Hindi naman barko ang dumaraan sa Edsa, C-5 Road, Quezon at Commonwealth Avenues, eh bakit gagawa ng tulay na a la Pontchartrain Causeway, ha?"

LISA: "Ipapatong ang isa pang DECK sa naturang mga lansangan para tuluyang mawala ang problema sa trapiko sa buong MM. Hindi katulad ng riles ng LRT/MRT na merong poste na nakaharang sa daloy ng trapiko, ang ilalagay na double deck sa mga lansangang ito eh 'gaya ng Pontchartrain Causeway na malayang makararaan ang mga barko sa ilalim ng tulay porke walang mga poste."

CION: "Ang halaga (P2.4 billion/day) ng accumulated na lugi para sa 20 days, sa palagay ko, eh kasya na itong pondo para sa super-project na ito upang umasenso na ng tuloy-tuloy ang komersiyo sa buong Phl, peksman!!!"













No comments:

Post a Comment