Monday, July 8, 2013

IBALIK ANG DEATH PENALTY - TITO SEN

ANA: "Kung ibabalik ba ni Tito Sen ang death penalty sa mga mahuhuling drug pusher/user, eh kasama sa panukalang batas niya ang mga matitiklong rapist, gun-for-hire, utak ng syndicated estafa a la Delfin Lee, ha?"

LISA: "Naku, as usual eh mahabang debate 'yan porke hahambalang na naman ang RC Church para sagkaan ang isyung 'yan, sumpaman, porke, maninindigan si Pareng Damaso - (Diyos lang ang merong karapatang bumawi sa buhay ng tao)."

CION: "Kung hindi ako nagkakamali, eh, masigasig na tagapagtanggol ng CBCP si Tito Sen vs RH law, divorce law, 'di ba? Sa tingin ko eh, parang inilalatag lang ni Tito Sen ang kanyang programang PAMPAPOGI for a higher position sa 2016 presidential elections?"

No comments:

Post a Comment