Monday, July 22, 2013

INCOMPETENCE

ANA: "Bakit nag-offer lang ng kanyang resignation as bigboss of Customs si Ruffy Biazon kay PNoy at sa pamamagitan lang ng text? Matapos siyang sabunin at ikula sa mata ng publiko ni PNoy, akala ba ni Biazon na LAPSUS LINGUAE lang ito ng Presidente?"

LISA: "Oy, 'lamkong ibig sabihin ng Latin phrase na lapsus linguae - A slip of tongue - o, 'di ba? Tongue ina mo talaga Biazon, sobrang kapal na ng mga dinugas mo, 'sing kapal ng mukha mo, 'lamoyon???"

CION: "Kapag sinabihan ng incompetent ang isang gov't official 'gaya ni Biazon ng mismong Presidente, dapat IRREVOCABLE letter-of-resignation ang ihain nito. 'Yon eh kung meron pang natitirang dignidad si Biazon sa matinding pagsabon sa kanya ni PNoy. Pero sa tingin ko, hindi aalis si Biazon sa Customs porke ayaw ng tatay niyang si Pong?"

No comments:

Post a Comment