Saturday, July 6, 2013

DOUBLE DECK EDSA

ANA: "Sa halip na malugi ng mahigit P2-billion kada araw dahil sa usad-pagong na traffic sa Edsa, eh maglaan na lamang ang gov't ng P20-billion para pondohan ang isa pang deck na ipapatong sa buong kahabaan ng Edsa, o, 'di ba?"

LISA: "Korek ka r'yan 'ga. Lahat ng intersection na naka-suso sa Edsa mula Caloocan City hanggang Baclaran eh lagyan ng flyover para makaakyat o makababa ang mga sasakyan sa Double Deck Edsa na patungong Norte o Sur, perfect!!!"

CION: "Lahat ng PDAF ng Tongressmen at Senatongs ng 16th Congress eh walang paligoy-ligoy na KALTASAN para sa P20-billion pondo ng Double Deck Edsa project. Ang tatanggi eh huwag gagamit ng Double Deck Edsa, for lifetime, kapag natapos na ang project. 'Yun lang!!!" 

No comments:

Post a Comment