Monday, July 29, 2013

"KILLING ME SOFTLY"

ANA: "Napapansin mo rin ba 'ga na unti-unti nang nakikilala ng Pinoy ang mga corrupt na legislators thru social media na tila bagang mga lintang humihigop mula sa kanilang PDAF, 'gaya nina Sen Tolits, Tito Sen at Rep Ungab?"

LISA: "Palagay ko eh 'yan ang resulta ng tahimik na TARBAHO ng Malacanang. Kasi, matapos ang big-bang sa SONA, eh ang tungkol naman sa maneobra ng PDAF ang unti-unting ipinupublika sa Internet para PAHIYAIN ang mga corrupt, ke sino man ang tatamaan, o, 'di ba?"

CION: "Korek ka r'yan 'day. Ang pakiramdam ngayon ng bawat legislator na a la drakula kung sumipsip ng kanyang PDAF eh (killing-me-softly) dahil sa tindi ng kahihiyan (kung meron) porke unti-unti silang inilalantad sa Internet sa kanilang modus-operandi ng pangungulimbat mula sa taxpayers' money, o, getz mo?"

No comments:

Post a Comment