Wednesday, July 31, 2013

DOCTOR OF ANOMALY

ANA: "Ano-ano ba ang rekesitos para matanggap ako sa graduate school. Kasi, gusto kong kumuha ng Ph.D. Anomaly para ako maging kasing yaman at sikat 'gaya ng me-ari ng JLN. 'Kaw, gusto mo ring yumaman a la Janet Lim-Napoles?"

LISA: "Ah, 'di ka qualified, kasi hindi ka pa nasintensiyahan ng RTC na makulong ng at least 6 years dahil sa kasong pandarambong. Mabuting mag-apprentice ka muna ke Janet baka suertehin kang mahuli at maipakulong ng COA para qualified kang mag-take ng Ph.D sa Graduate School ng JLN paglabas mo, o, 'di ba?"

CION: "Hoy, kayong dalawa, umayos kayo hah! Sa halip na umisip kayo kung pa'no tayo makakatulong na maresolba ang problemang yumayanig sa 2 Congress, eh nang-uurot pa kayo. Para sa'ken, ok ako sa panukala ni Sen Brenda na utay-utay tanggalin ang PDAF sa loob ng 3 taon. 'Yun lang!!!"

No comments:

Post a Comment