Tuesday, July 9, 2013

JPE: IF ERRONEOUS (CONTRACT) THEN SOME PEOPLE MUST ANSWER FOR IT

ANA: "Akala ko wala nang naniniwala sa mga sinasabi ni JPE, eh bakit an'dami pa ring nakikinig sa kanyang paliwanag hinggil sa ligalidad o iligalidad ng PANDURUGAS daw ng Manila Water, Maynilad at MWSS laban sa water consumers, ha?"

LISA: "Ah, palagay ko'y pagkakataon na ni JPE na matubos niya ang sarile at muling pumaimbulog ang bumulusok nitong reputasyon at hangaan muli ang kanyang katalinuhan 'gaya no'ng pangunahan niya ang pagsibak ng Senado kay CJ Corona, o, 'di ba?"

CION: "Ayon kay JPE, 'di raw ang Senado ang magreresolba sa kasong ito vs MWSS at 2 concessionaires, kundi ang SC. Kung gano'n, para matubos ang sarile sa pagkasira ng kanyang reputasyon, dapat eh pangunahan niya ang pagsasampa ng kaso sa SC at patanggal ang patong na sinisingil ng 2 switik na water concessionaires pabor sa water consumers, para everybody HAPPY!!! Perfect, 'di ba?"

No comments:

Post a Comment