Saturday, July 13, 2013

THE FACT: ERAP WAS ABANDONED

ANA: "Ang debate kay dating CJ Temyong Panganiban ni Tweakthor dito sa Disqus eh nilayasan daw si Erap ng kanyang mga kapanalig kung kaya napalitan siya ni Ate Glo bilang bagong PangGULO ng Pinas, 'di ba?"

LISA: "Ang sabi pa ni Tweakthor eh iniwanan daw sa Malakanyang si Erap ng kanyang mga kakosa, maliban sa abogado niyang si Rene Saguisag. Ang resulta, lumayas na rin kalaunan si Erap sa Malakanyang, kasi, wala nang natira pang kasangga nito maliban sa asawang si Loi, sina Jinggoy at JV, pero wala sina Laarni at Guia. Nasaan?"

CION: "O, bakit nasali dito ang mga kabit ni Erap? Kayo talaga, oo. Ang mga nang-iwan kay Erap kaya napilitan siyang bumaba noon sa Malakanyang eh sina CPNP Ping, Defense Sec Orly, ang mga Cabinet members nito, si Atong Ang, bukod pa sa pinagtaksilan din siya ng 7 SC Justices na inapoynt niya. Mga suwail!!!"

No comments:

Post a Comment