Thursday, November 26, 2015

CONTINUING PNOY'S DAANG-MATUWID

ANA: "Totally nawala ang TALAMAK na korapsiyon sa gov't after 1986 Edsa People Power na nagpatalsik ke Apo Perder at pinalitan ni President Cory. Sa ilalim ng REVOLUTIONARY GOV'T eh tinanggal ng Secretary of Dept of Local Gov't (DLG) Nene Pimentel, sa utos ni Tita Cory, ang mga town and city mayors sa Phl. Pinalitan sila ng officers-in-charge (OIC), 'gaya ng OIC ng Makati noon na si Nognog, bago naging ganap na meyor ng manalo ito sa 1st local elections in 1988 under Cory Adm, o ha!"

LISA: "Ibig sabihin eh PINURGA (purged) ng Cory Adm ang buong sistemang umiiral noong katiwalian sa ilalim ng adm ni Apo Perder na talamak sa SOP. Pero nakalulungkot isipin dahil ang mga pagbabagong sinimulan sa ilalim ng Revolutionary Gov't ni Tita Cory eh FRAZZLED (nagkagutay-gutay) sa ilalim ng sumunod na mga presidente, particularly, ke Ate Glo, kung saa'y nawalan ng CONTINUITY, 'eka nga. Kaya bumalik at mas grabe pa ang mga PANDARAMBONG ng elected local officials, 'gaya ni Nognog!"

CION: "Hindi lang local officials ang nasasabit sa katiwalian, 'day. Por eksampol, si Erap eh CONVICTED sa kasong pandarambong 'tsaka si Ate Glo, sa ilalim ng PNoy Adm, eh under hospital arrest din dahil sa pandarambong! Sina senaTONG Bobong Revilla at Junggoy na nasa kalaboso dahil din sa plunder case. Pero si Tandang mandarambong eh pinalabas naman sa kulungan dahil sa inaregLAW daw ang 8 SC aso justiis! Magkano? Ipagpapatuloy ang DAANG MATUWID ni Mar kung siya ang mananalong presidente. Isulong ang DEBATE para sa mga presidentiables para magkaalaman ng kani-kanilang plataporma, o ha!!!"

No comments:

Post a Comment