ANA: "Para sa'ken eh well scripted ang PERSUASIVE (mapanghikayat) na pahayag ni Digong Duteteng na sigurado na umano siyang tatakbo para prisidinti. Kasama sa script ni Duteteng na birahin ang pagbasura ng SET sa DQ vs Gracia para ma-DISCOMBOBULATE (malabusaw) ang kaisipang ng mga bobotanteng GULLIBLE (madaling utuin) na nasa class c, d, e, na nagpapataas ng ratings sa survey ng False Acia kina Gracia at Nognog, o, ha! Excesively optimistic si Duteteng na makakabig niya ang class c, d, e, votes, see?"
LISA: Tumpak ka r'yan 'ga.'Yung palipad-hangin kase ni Duteteng sa HOI POLLOI (sa masang Pinoy) eh para ipakitang si Gracia eh me malaking tsansa na maDQ siya ng SC. Samantala, si Nognog eh posible ring aarestuhin at isasadlak sa kalaboso ng walang piyansa ng Sandigan Bayan before May 2016 elections. Sa kaso naman ni Brenda, eh mahirap niyang mapasusubalian sa Pinoy voters na oke na ang kanyang cancer hangga't 'di niya inilalantad ang medical certificate na hindi siya matitigok habang nanunungkulang prisidinti?"
CION: "Nakana mo 'day, peksman! Ang galing talaga ng psy-war ni Duteteng. Locking the barn doors after the cows had gone. So, inaasahan niyang silang dalawa na lamang ni Mar Roxas ang maglalaban sa pagka pangulo? Pero, para sa'ken eh dadaan pa rin sa DUE PROCESS si Duteteng kahit halimbawang matupad 'yung aksiyon nitong ma-eliminate sina presidentiables Gracia, Nognog at Brenda. Sabi kase ni election lawyer Romi Makalintal eh walang pagbabasehan ng substitution si Duteteng para makapag-file ito ng COC?"
No comments:
Post a Comment