Sunday, November 1, 2015

SACK MIAA MGR HONRADO IN 'TANIM-BALA' PRESSED

ANA: "TALAMAK na talaga ang taniman-ng-bala sa NAIA dahil sa excessive indulgence ni MIAA Gen Mgr Honrado? Aba'y nasa kainitan na nga ang isyung tanim-bala, worldwide, eh ayaw pang tantanan ng kanyang mga tauhan sa NAIA ang kanilang racket, o, ha! Huling biktima ng mga tauhan niyang SUKAB sa x-ray scanner eh ang 65-year old na si Nimfa Fontamillas ng Cavite City. Papunta ang victim sa Singapore para manood ng socker doon, pero nakita sa scanner na merong dala siyang bala sa kanyang shoulder bag!"

LISA:"So,'yung tanim na bala ang ginagawang EBIDENS at tatakuting sasampahan ng kaso ang biktima sa Pasay City prosecuTONG opis kung hindi ito makikipag-aregLAW ng P30-T sa mga empleado ni Horado? Susmaryopes! Eh, bago pa pala naging MIAA bigbos si Honrado eh talamak na ang racket na tanim-bala sa NAIA at lalo pang LUMAGANAP sa lahat ng airport sa buong bansa simula ng maupo ito bilang MIAA Mgr! Hindi naman kase nabibili ang bala ng tingi-tingi! Common sense lang, Mgr Honrado, meron ka no'n?"

CION: "Sa palagay ko eh mabuBUKING na ang modus-operandi ng sindikato-ni-Honrado sa kasong ito ngayon laban sa pasaherong biktima na si Nanay Nimfa. Lahat kase ng laman ng shoulder bag ni Nanay Nimfa eh sama-samang nakasilid sa isang plastic 'tsaka ikinandado ang zipper ng bag bago ito ipinasok sa x-ray scanner. So, hindi naipasok sa loob ng bag ni Nanay Nimfa ang itinanim na bala ng sindikato, kundi sa side pocket ng bag ito nakita sa x-ray scanner. Kung walang common sense si Honrado, pati kaya FIXcal?"          

No comments:

Post a Comment