Saturday, November 14, 2015

LENI ROBREDO, AS HERSELF

ANA: "Si Leni eh CIRCUMSPECT (mahinahon) sa kanyang pagsagot sa mga tanong sa kanya ng media, -'All I need to do is be myself.' Parang ikinukumpara kase ng media ang UGALI ni Leni sa pamumulitika hinggil sa istilo rin ng pamumulitika ni Gracia, o, ha! Napagtanto kong si Gracia eh ekspertong mag-CONTRIVE (umimbento) ng mga PATUTSADA vs political opponents sa kanyang mga political sorties. Am sure na si Gracia eh binubulungan ni TSISmoso, kasama ang We Bulong Sulsultant na si Bos Danding?"

LISA: "Likas na mahinhin kase si Leni at inaamin niyang natuto siya ng politics from her husband, the late Jesse Robredo, na halos 2 dekadang city mayor ng Naga City, bago na-appoint na DILG Secretary ni PNoy. Si PNoy nga mismo ang nagsabi ring si Leni eh katulad daw ang kanyang ina, si Tita Cory, na natuto rin sa politics mula sa kanyang waswit na si late Sen NINOY AQUINO, JR, o, 'di ba? Si Gracia nama'y 'gaya rin daw siya ng amang si FPJ. Kase, grabe kung bugbugin ang kontrabida, RAPIDO (dugudugudug)!"

CION: "Heh! Parang pinabababa n'yo naman ang kwalipikasyong maging prisidinti si Gracia, noh! Dahil ba si Gracia eh artistahin? Si Ronald Reagan nga eh sikat na artista ng Hollywood bago naging POTUS, o, 'di ba? Kung inamin ni Leni na siya eh hindi marunong kumanta, inamin naman niyang marunong siyang magsayaw ng chacha, see? So, palagay ko, bilang eksperto sa larangan ng SINING at dating hepe ng MTRCB na iniluklok ni PNoy, si Gracia eh DAIG nga siguro si Leni na sumayaw ng chacha? 'Tsaka TWERK, peksman!"

No comments:

Post a Comment