Friday, November 27, 2015

TALKING ABOUT THE NEXT PRESIDENT

ANA: "Si Mar at Gracia lang ang sumipot sa inorganisang NO-HOLDS-BARRED debate para sa mga kandidatong president sa Manila Polo Club hosted by Karen Davila. Si Nognog eh nagdahilan na meron daw ginagawa, kaya hindi nakarating sa venue. Samantala, si Brenda eh 'di rin nakarating, gano'n din si Duteteng, dahil inaayos pa raw ang kanyang COC para prisidinti as a substitute candidate ni Martin Dino for Pasay city mayor? Ang substitution, sabi ni Atty Makalintal, eh bawal, unless Comelec breaks its own rules!"

LISA: "Si Gracia eh PALIGOY-LIGOY sumagot, parang a la Senatoriable Alma Moreno noong UNA na TREMULOUS (nangangatal sa takot) sa pagsagot, sa tanong ni Karen Davila ke Gracia: 'Did you renounce your Filipino citizenship?' Si Gracia, habang nakaharap sa kamera, eh nagpaikot-ikot sa kanyang malabong paliwanag at halatang umiiwas sagutin ng diretso ang tanong ni Karen - 'Is that a YES or a NO?' Kumpara sa sagot ni Mar sa mga ibinabatong tanong sa kanya, siya'y EXTEMPORANEOUS (walang-binabasa)!"

CION: "Pero ang lakas ngayon ng PAUTOT ni Digong Duteteng makalipas mag-file ng kanyang COC sa Comelec kahapon, noh! Ang Davao City daw kase, is the safest city in the world? Base raw ito sa CROWD SOURCED GLOBAL DATABASE. It means it is based on what people, who go to the website, say. Ibig sabihin, ranking can be MANIPULATED! O 'di ba? Ang Economist Intelligence Unit kase eh merong list of the world's 50 safest cities. Davao City is NOT in the list! Meron kayang XENOPHOBIA (fear of their politics) sina Gracia, Nognog at Brenda? Comelec pls, mag-organize ng DEBATE PA MORE on TV!!!"        

No comments:

Post a Comment