ANA: "Nagpapakitang-gilas 'tong si Nognog spookman Rica Kitsoy a la SPELUNKER (tagabusisi) ng TROLLOP (bulate ni Abi), re: moral victory kuno ni Dayunyor porke ayon sa patutsada niya'y ang suspension kuno ni Dayunyor eh '. . was still favorable as it upheld the authority of the courts to review decisions and actions by the OBM' - o, ha! Kung ihahambing kase sa talagang midget size na katawan ni Nognog, gustong ipakita ni Kitsoy na a la BEHEMOTH (King-Kong) si Nognog sa larangan ng aregLAW!"
LISA: "Oy, sobra ka namang mang-insulto ke Rica noh! Pero batay nga sa desisyon ng SC, PINUTOL na nito ang condonation doctrine na una pang ginamit no'ng year-1959 sa kaso no'n ng meyor ng San Jose City, Nueva Ecija, Arturo Pascual, which was BEREFT OF LEGAL BASIS (walang ligal na basehan) kaya nga MOOT na 'to sa ikalawang kaso ng suspension order vs Dayunyor, see? Samantala, 'yung unang kaso ng suspension ni Dayunyor na me P50 M aregLAW, eh 'yun na ang huling paglapat ng SC sa nasabing doctrine!"
CION: "Korek ka r'yan 'day. Kitang-kita ni Rica ang DAHILAN kung bakit sa bandang huli eh ginamit pa ring jurisprudence ng SC ang kuestiyonableng condonation doctrine! Para nang sa gano'n eh hindi na makalkal at malagay sa ALANGANIN 'yung 2 aso justiis ng CA na sinuhulan ni Nognog ng tig-P25 M para sa TRO nung unang suspension order ng OMB vs Dayunyor, remenber? So, parang give and take lang ang CA at ang SC? Umuukil-ukilkil sa isipan ng Pinoy, magkano raw kaya ang aregLAW re Tanda's freedom?"
No comments:
Post a Comment