Tuesday, November 3, 2015

TRAVELLER MARIA PAZ TRIAZ TELLS HOW 'TANIM-BALA' WORKS

ANA: "Hay, nagkawindang-windang na ang pamamahala ni MIAA Gen Mgr Honrado sa NAIA. Umabot na sa buong mundo ang kahihiyang kumukulapol sa buong PNoy Gov't, re: sindikatong TANIM-BALA ni Honrado,'di ba 'ga? Pero 'yung paUTOT ni Honrado sa media eh wala umanong tanim-bala, kundi, talaga lang daw MAPAMAHIIN ang Pinoy! Kase, itinuturing nilang ANTING-ANTING ang mga balang nahuhuli ng scan machine sa mga travellers na nakasilid sa kanilang mga bagahe? Ano 'to, PALUSOT ni Honrado?"

LISA: "Eh DISCOMBOBULATED (thrown into confusion) na ang Pinoy travellers worldwide dahil sa sindikatong tanim-bala ni Honrado, noh! Pero merong isang 'di nasindak na biktima ng tanim-bala sa NAIA, si Maria Paz Triaz, ang dumulog sa NBI para paimbestigahan kung bakit me nakitang bala sa kanyang backpack sa ikalawang x-ray scanner noong papaalis siya kasama ang ina't lola for Singapore no'ng 'sang buwan. Papayagan siyang bumiyahe basta pipirma siya at aaminin nitong anting-anting lang niya ang bala!"

CION: "O, kitam? 'Yan talaga ang master ng mga tauhan ni Honrado eh. Creation of a convincing FAKE, a succesful LIE that would deceive even the most careful and discerning eye. A la mahikero baga sa pagtatanim ng bala 'tsaka tatakuting ipakukulong ang traveller kung hindi aalegLAW ng P30 T, nakanang ina! Kaya 'yung mga bagahe ngayon ng mga travellers, partikular ang mga OFWs, eh pinababalot ng plastic ang kanilang bagahe for P160, para maging BULLET PROOF bago maisalang sa x-ray scanner! Biro mo 'yon?"      

No comments:

Post a Comment