Sunday, November 15, 2015

DAYUNYOR CAN STILL INVOKE CONDONATION DOCTRINE, SAY LEGAL EXPERTS

ANA: "O, isa na namang SPOOKY'S WORKING 'to 'ga, 'di ba? Ibang klase talaga ang STUMPING (pangangampanya) sa media nitong 2 eksperto kunong mga aboGAGO para ma-DISCOMBOBULATE (malabusaw) ang isipan ng publiko, re condonation doctrine, na pupuede pa rin daw itong ihatol ke Dayunyor ng SC makalipas nila 'tong PUTULIN? Parang gustong palabasin ng 2 aboGAGOng 'to na kaya nilang yanigin ang SC para baliktarin ang abandoned doctrine at muling makabalik na meyor si Dayunyor?"

LISA: "Well, well, ako'y hindi magtataka kung merong mga kaUNGGUYAN sa CA at SC sina ligal ekspert Kabado Baldes at Enteng Hoias. 'Di naman kase lingid sa publiko na merong kapaLAGAYang-loob si Nognog na 2 aso justiis sa CA at 8 pang aso justiis sa SC sa pangunguna ni Lokong Beermanen, o,'di ba? So, nararamdaman ko isang uri 'to ng IMPERCEPTIBLE (hindi halatadong) taktika para CONCUSSION (kalugin) ang utak ng mga aso justiis ng CA at SC na SUKI ni Nognog para sa REVERSAL ng kaso, see?"

CION: Nakana mo 'day. Pero 'lamobang an'dami rin matitinong abogado ang SUMALUNGAT sa mga pasingaw ng 2 aboGAGOng sina Baldes at Hoias pabor ke Dayunyor? Sabi ng idol kong si Cogito728sum - 'It is hard to ba a lawyer if one is not consistent and true to himself, this Valdez in particular while he is against one whose theft concerns national identity, he favors the other whose thievery is of unequaled proportion relative to his position.' - 'Di ba si Baldes din ang nagsampa ng DQ case vs Gracia? BISTADO!"  

No comments:

Post a Comment