ANA: "Nag-ugat ng salimbayan ng argumentong a la PYRRHIC (war dance) mula sa nagtatalo-talong (pro n con) netizens re isyu ng ELIGIBILITY o ELECTABILITY ni Gracia bilang kandidatong prisidinti, ayon sa kolum ngayon ni Randy David, o, ha! Ang ibig sabihin daw kase ng eligibility ng isang presidentiable, sabi ni Sir Randy, eh kelangang natural-born, registered voter, marunong magbasa't sumulat, at least 40 yrs of age, tsaka, dapat nakatira ang kandidato, saan mang lupalop dito sa Pilipins, ng hindi bababa sa 10-taon! See?"
LISA: "Yes, yes yeow! Pero ang ipinaggigiitan naman ng mga maka-Gracia eh 'yung binanggit daw ni PNoy na VOX POPULI (the voice of the people) daw ang dapat masunod. Ibig sabihin kase ni PNoy eh ang ELECTABILITY (capacity to be elected to the office one seeks) ni Gracia o ng sino man sa kanyang mga kalaban bilang kandidatong prisidinti, o, 'di ba? Dito na UMUSOK ang palitan ng maaanghang na paliwanagan ng mga pro n con Gracia! So, alin kaya ang mananaig, ang Phl Constitution o ang Vox Populi?"
CION: "Magandang tanong 'yan, 'day. Dapat na MAGBULAY-BULAY (meditate) ang mga BOBOtantes hinggil sa isyung 'yan. Kase, ang yaman ni Gracia, batay sa kanyang huling SALN, eh around P30 M lang ang kaperahan. Ang gastos sa kandidatura para presidente eh tinatayang P1 Billion plus! 'Alang partido si Gracia na gagastos sa kanyang kampanya ng more than P1B. Ang sabi, sasagutin daw ang gastusin ni Gracia ni Bos Danding Ko Hwang Koy? Samantala, si Mar eh gagastusan naman ng LP. So, ang bottom line eh, magkakaro'n ng UTANG-NA-LOOB si Gracia ke Bos Danding kung si Gracia ang mananalo! O, 'di ba?"
No comments:
Post a Comment