ANA: "Sus ginoo, an'daming napikon mula sa REGIMENT (organized group) nina Gracia at TSISmoso tandem dahil sa ipinublikang interview sa media ke Leni - 'Case vs Grace Poe MORAL issue' - o, ha! Pa'no kase, nagsalimbayan ang cynical (mapang-uyam) na patutsadahan sa internet mula sa magkabilang panig, eh samantalang 'di naman katunggali ni Leni si Gracia, kundi si TSISmoso, bilang kapwa kandidatong vice president, o, 'di ba? Ayon kase ke Leni, ang 4 na DQ cases vs Gracia eh MORAL issue, bukod sa legal isyu rin!"
LISA: "Eh, sumawsaw kase sa topic si Rex Gatchalian kaya discombobulated (nalito) ang mga pro-n-con bloggers sa inginangawa ni Rex re: ANECDOTAL (amusing account) on citizenship ni Gracia na isang LEGAL issue, samantalang MORAL issue naman laban ke Gracia ang tinalakay ni Leni bilang sagot sa tanong sa kanya ng media, 'di ba? Hindi kaya alam ni Rex na magkaiba ang kahulugan ng Legal at Moral?
Ibig sabihin ng LEGAL (lawful) eh NAAAYON SA BATAS. Ang MORAL eh ARAL o LEKSIYON!"
CION: "Yung ginawa kase ni Rex, 'day, eh STUMPING (nangangampanya) pabor ke Gracia para prisidinti! Samantala, ang sabi naman ni vice presidential candidate Leni bilang sagot sa interview sa kanya ng media, bukod sa moral issue, eh MAJOR ISSUE rin daw ang kaso ni Gracia. Ibig sabihin, one that should not be compared to the situation of Overseas Filipino Workers (OFWs) and other migrants who have decided to settle in foreign lands. Pa'no kase, walang kumandidatong prisidinti na OFW maliban ke Gracia, o, 'di ba?"
No comments:
Post a Comment