ANA: "Sabi ni Mareng Winnie eh MULISH (matigas-ang-ulo) ng mga taga OTS (Office for Transportation Security) ng NAIA, sa pangunguna ni Ret. Commo Roland Recomono, re TALABA (tanim, laglag-bala) scandal. Batay sa paliwanag ni Mareng Winnie eh nagsisilbing BITAG ang lobby ng NAIA porke open lahat pala 'to sa pasahero at hindi-pasahero. Pero, lahat eh daraan sa x-ray scanner bago makapasok sa lobby, o, ha! So, merong NABITAG na 2 babae na me dalang anting-anting na bala na WALANG PULBURA, see?"
LISA: "Oy, 'lamobang aksidente lang ang pagkaka-scoop ni Mareng Winnie sa TALABA scandal sa NAIA kahapon? Naka-skeds kasing magi-interview si Mareng Winnie sa mga bosing sa NAIA nang meron daw nakitaan ng bala bilang amulets mula sa 2 babae na kapwa hindi pasahero. So, HINULI sila ng Avsegroup for investigation. Pinakiusapan ni Mareng Winnie si Recomono na baka naman pupuedeng pakawalan na lamang ang 2 victims ng TALABA, 'gaya ng unang biktimang PINAWALAN, si Josie Triaz, as precedent?"
CION: "Nagturu-turuan ang OTS, Avsegroup hanggang umabot MISMO ke C-PNP Marquez para ma-entertain ang request ni Mareng Winnie na mapawalan na sana ang 2 biktima ng TALABA, kase, meron nang precedent, ang naging kaso ni Josie Triaz, pero BOKYA si Mareng Winnie! Sabi raw ni Marquez eh 'yung private lawyer daw, na AYAW magpakilala, ang kausapin ni Mareng Winnie kung pupuedeng pagbigyan ang kanyang request! Habambuhay kasing pagkakakulong ang sintensiya ng TANIM-BALA!!!"
No comments:
Post a Comment