Friday, November 20, 2015

WHERE HAVE THE SC ASO JUSTIIS BEEN?

ANA:"Sabi ni Mareng Winnie - 'I am no lawyer but I do understand English' - re: condonation doctrine na unang isinampal ng CA laban sa DQ Order ng OMB vs Dayunyor bilang Mkt meyor, o, ha! Ayon kase sa condonation doctrine adopted in 1959 - 'If you are a public official and have committed misdeeds, your reelection wipes the slate clean because it is assumed that the electorate had full knowledge of your misdeeds when they cast their votes and they still voted you back. No admin charges can be brought against you.' Oh?"

LISA: "Uh-unga 'ga. Pero 'di nagpasindak ang OMB sa TRO ng CA pabor ke Dayunyor at kinuwestiyon ang aksiyon na'to ng CA ni Omb Conchita sa SC, batay sa RA 6770 (Ombudsman Act of 1989). Ang condonation doctrine kase eh unang ginamit noong 1959 ng Korte pabor ke San Jose City meyor Arturo Pascual ng Nueva Ecija. Eh magkano kaya ang iniHATAG noon sa judge na nag-imbento ng jurisprudence (condonation doctrine) pabor ke Pascual kumpara sa P50 M tongpats ngayon ni Dayunyor sa CA, ha???"

CION: "Ows? Ibig mong sabihin, 'day, eh 56 years nang nagpapasasa ng TONGPATS ang mga courts of law para sa bentahan ng TRO re condonation doctrine pabor sa mga mandarambong at reelected na pulpolitiko nationwide? Pero, NIYANIG ni Omb Conchita ang Judiciary sa kanyang PYRRHIC (war dance) vs condonation doctrine porke parang pumabor yata sa kanya ang SC: - 'Misconduct committed by an elective official is easily covered up and is almost unknown to the electorate when they cast their votes.' - O, 'di ba?"      

No comments:

Post a Comment