Sunday, November 8, 2015

LAGLAG-BALA

ANA: "Ang tungkulin ng isang presidente ng Phl, tulad ng sa US, eh isang AXIOMATIC (katotohanang hindi kailangan ng paliwanag), 'gaya ng 'MANY MEN IN ONE'. Ang duty ni PNoy, halimbawa, eh magtalaga ng mga opisyal ng gobyerno, 'gaya ng cabinet secretaries, upang tumupad sa iaatang sa kanilang tungkulin ng presidente. Bilang chief executive, si PNoy eh maguUTOS sa mga cabinet members na ipatupad ang batas. Bilang commander-in-chief of the AFP, he is responsible for national defense in peace or WAR!"

LISA: "Uh-unga 'ga. Pero pilit ng PINIPILIPIT ng mga pulpolitikong OAF (istupido), kasama ang ac/dc media, ang KAWALAN daw ng aksiyon ni PNoy, re: laglag-bala issue sa NAIA, o, ha! Ikinokunekta kase nung mga CLUMSY (padaskul-daskol) na pulpolitiko't ac/dc media pipol ang teka-teka gov't daw ni PNoy kung kaya LUMALATAY daw 'to laban ke Mar Roxas sa pamamagitan ng LAGLAG-BOTO! Sus ginoo! Hoy mga oaf, the Constitution provides that the president shall take care that the laws be faithfully executed."
 
CION: "Ang napansin ko lang 'day, eh me pattern (modus) ang mga banat na'to vs ke PNoy at ke Mar, peksman. Para kasi 'tong SPOOKY'S WORKING eh, o, 'di ba? Pailalim ang mga banat nila para 'wag silang paghinalaan ng publiko na galing sa kanila ang NEBULOUS (malabong-pahayag) bilang political black propaganda laban sa Team Mar-Leni, see? 'Gaya na lang sa pagpapatayo ng more than 100 T housing na pinondohan ng BILYONES para sa Yolanda victims sa Tacloban sa ilalim pa no'n ni Nognog, eh 17 T lang daw ang nayari, ayon ke Ex-Sen Ping, pero UBOS na ang pondo! SAAN NAPUNTA, NOGNOG?"    

No comments:

Post a Comment