ANA: "Hayan, isang maikli at napakalinaw na deklarasyon (SUCCINCT) ang ipinahayag ni SC Sr Associate Justice Tony Carpio sa mga presidentiables - 'Carpio advised the next president to push through with the territorial dispute case before the United Nations backed Arbitration Tribunal because withdrawing it would be catastrophic.' Ito'y sa gitna ng kontrobersiya ng TALABA (TAnim/LAglag BAla) sa NAIA na walang kasawa-sawang pinupupog ng batikos mula sa mga presidentiables na wala raw solusyon si PNoy?"
LISA: "Eh 'yan naman kasing TALABA eh police matter, kaya nga inutos na ni PNoy sa NBI ang masusing imbestigasyon tungkol d'yan. Tutal eh ayaw tantanan ito ng mga kalaban ni Mar Roxas na kasalanan kuno 'to ni PNoy at ke Mar naman daw ito lumalatay para sa kanyang LAGLAG boto, mabuti pang ilagay sa AGENDA ng debate ang isyu ng TALABA at territorial dispute case with China, 'di ba? Ang posisyon kasi ni Nognog at ni Gracia re: territorial dispute eh paghatian na lang daw ito ng Phl at China para walang gulo?"
CION: "Sa palagay ko 'day eh hindi papayag maging sino mang BOBOtante na makikihati ang Tsekwa sa sarili niyang bakuran, noh! Kaya nga 'wag sanang iadya ni Lord na manalo ang sino man kina Nognog o Gracia dahil siguradong papayag sino man sa kanila ang uupong panggulo ng Phl na magiging kahati natin ang Tsekwa sa teritoryo ng ating bansa! BAKIT? Sapagkat, maliwanag na IBINEBENTA na ni Nognog at Gracia ang Pilipinas sa China kapalit ng tulong pinansiyal ng Intsik para sila manalong prisidinti, o, ha!"
No comments:
Post a Comment