Tuesday, May 6, 2014

ANTI-POLITICAL DYNASTY HOUSE BILL REACHES 2ND READING

ANA: Bakit, ano ang maniayare 'pag umabot na sa second reading ang isang panukalang batas, puede nang kumain ng PORK adobo? Sino ang masisilbi ng pork adobo, mga taga-DBM? Pero, mukhang GINIBA na 'yung dating sabsaban ni Janet, 'di ba?"

LISA: "Anong pork adobo 'yang pinagsasabi mo eh ipinagbawal na ng SC ang pamimigay ng PDAF sa mga legislaTONGs noh! UNA, ang mga panukalang batas eh ire-refer muna sa committee level para sa 1st Reading. Next, dadalhin sa plenaryo ang panukalang batas upang pagdebatehan. O, get it?"

CION: "Me tama ka 'day. Siguradong UUSOK sa debate ang plenaryo sa panig ng mga TUTOL sa Anti-Dynasty bill na'to laban ke Rep Fredenil Castro, ang main sponsor ng bill. Tinitiyak ko, hindi natutuwa sa panukalang batas na'to ang dinastiyang angkan nina Jojo Binay, Manny Villar, Bongbong Marcos, Bong Revilla, Jinggoy Estrada, Andaya and Villafuerte families ng Bicol, at pamilya Singson ng Ilocos, atbp. Hero ka, Rep Castro, kung mailulusot mo ang batas na'to, peksman!"

No comments:

Post a Comment