Sunday, May 4, 2014

EX-SEN EDGARDO ANGARA & EX-REP ABRAHAM MITRA GAINED FROM ACEF

AnaLisaCion:

ACEF - Agricultural Competitiveness Enhancement Fund is a farm subsidy fund (P6 billion) during the Ramos-era, supposedly meant to prepare the agriculture sector for the country's trade integration into the Southeast Asian market next year.

Sa kolum na ORA MISMO ni Butch M. Quejada sa PSN noong March 7, 2000, ay tinalakay niya ang application for grants mula sa ACEF para sa proyekto ng Multipurpose Cooperative for the Relief of Sufferings (MUSE OF ROSES), sa pangunguna ng chairman nitong si Leo A. Paras.

Ang titulo ng kolum ni Butch Quejada - Dapog system ng Agri sa Nueva Ecija - Martes, Marso 7, 2000.

"EXTENSIVE ang isinasagawang Agricultural Cooperative Enhancement Fund (ACEF) feasibility study preparation ng Muse of Roses, ang kooperatibang nais magpatupad ng "Kibbutz system" sa agrikultura sa Llanera, Nueva Ecija.

"Nakatuon ang pag-aaral ngayon ng kooperatiba kung papaano aani ng palay ang coop members ng apat-na-beses kada taon, DA Sec. Ed Angara, Sir!

"Ito ang tinatawag na "dapog system" ng Mindoro na nais i-reconcile sa sistema ng kibbutz na gustong ipatupad ng coop sa buong 2nd district ng Nueva Ecija.

"Ang dapog system, ayon sa coop, eh palay seedlings na pinatubo sa pinatubigang semento, tulad halimbawa sa isang sementadong basketbell court.

"Ang ready-to-plant seedlings ang ibibigay ng coop sa farmer member, sa halip na binhing butil, upang makatipid ng 30 days sa usual 110 days na one cropping season.

"Samakatwid, kung 80 days lang ang takdang panahon para sa isang anihan ng palay, ang resulta eh apat-na-beses kada taon na aani ang magsasaka gamit ang sistema ng dapog, o, 'di ba Prez Erap, Sir?" (end-of-story)

Gayunman, WALANG NANGYARI sa proyektong ito ng MUSE OF ROSES ni Leo Paras, kase, NAWALA lahat ang ACEF na nasa pangangalaga nina exSen Ang Garapal at exRep Baham Mitra.


No comments:

Post a Comment