Friday, May 30, 2014

WHY NO COA AUDIT OF THE PDAF FROM PERIOD 2000 TO 2007?

ANA: "Oy, napansin mo rin ba 'ga, kung bakit tila NILALAKTAWAN na gumawa ng AUDIT ang Commission on Audit re PDAF & Malampaya scam mula Year 2000 to 2007 sa ilalim ng panunungkulan ni Ate Glo? Tinanong kase ito ni Edu Punay ng PhilStar mismo ke COA Comm. Grace Pulido-Tan at prangka namang sinagot siya ng COA chief: (I really don't know)."

LISA: "Oo nga eh. Sa halip na magNGANGAWA (vociferate) sina onorabol Rectum at Koko D' Sonabagan at matinding ALIMURAHIN (vituperate) sina Benhur Luy at Janet dahil sa PRIMA FACIE ebidens nilang HDD at NapoLIST, respectively, abaw eh, mag-request na lamang sana sa COA 'tong dal'wang onorabol na'to para ma-audit (or validate) din ang period from 2000 to 2007, o, 'di ba?"

CION: "Dats rayt marekoy. Upang sa gan'on eh maidamay na rin nila 'yung dating mga onorabol na sumabsab din ng kanilang PDAF, kagaya nila, viz; ang namayapa nang si Robert Barbers, Pong Biazon, Loi Ejercito - ang totoong asawa ni Erap, si Jawo, si Magsaysay Jr is my guy, Tessie Aquino - si Anti, Nene Pimentel - si Tatay at si Money Villar. Perfect, o, 'di ba???"

No comments:

Post a Comment