Monday, May 26, 2014

"THE TRUTH HURTS, BUT THE TRUTH WILL SET YOU FREE" - JLN

ANA: "Naku, naku! Nakaka-SHOCK talaga 'tong bagong NapoLIST. O, heto 'yung 'sangdosenang senaTONG na presently nakaupo at SUKI ni Janet sa kanyang sabsaban: 1. Tanda, 2. Junggoy, 3. Bobong Revilla, 4. Punasan, 5. Lapida, 6. Leron, leron sinta, 7. Bongget, 8. Koko d' sonabagan, 9. Tito Sen, 10. Cynthia ang wating, 11. Alan d' dynast, at, 12. Cheeze d' loverboy of Heart. Ano'to, TRUTH or CONSEQUENCE ng HDD ni Benhur Luy?"

LISA: "Kung tutuusin kase, ang tingin ng ordinaryong blogger na 'gaya natin, eh parehong KAPANIPANIWALA ang isinisiwalat ng dalawang EBIDENS (ang hard disk ni Luy, at notarized affidavit ni Janet), so, ang OMB na marahil ang makakapagpasya kung alin sa 2, o kaya'y PAREHO itong gagawing ebidensiya vs mandarambong(S), o, 'di ba?"

CION: "Oy, mga amiga, hindi pupuede ke Omb Conchita 'yang argumento n'yo noh? Dapat na ABSOLUTE at walang kabahid-bahid ang ebidens na ipiprisinta ni SoJ LdL sa Ombudsman. Kase, bakit HINDI ISINALI 'yung mga pangalan nina Cheeze, JV, SP Drilon, Recto, Brenda at Don Ramon Sr na kasali ang mga pangalan sa HDD ni Luy, kasama pati ang pangalan ng mga TAGA-ng-taga Fourth Estate? Wala talagang katorya-toryang edibens 'yang ke Janet, kase bakit TINANGGAL sa pagkakadawit ang mga naturang pangalan sa itaas, hhmmm? MAGKANO!!??"  

No comments:

Post a Comment