Wednesday, May 7, 2014

"WHAT ARE WE IN POWER FOR?"

ANA: "Uy, parang nabasa ko na 'yang utterance (binigkas) na 'yan ni exSenPres Jose Avelino no'ng January 15, 1949 sa kanyang nagbabagang-talumpati sa senate floor vs President Elpidio Quirino, tama ba ako, 'ga?"

LISA: "Tumpak ka r'yan, ang galing mo pala sa history, bilib talaga ako sa'yo. Ikinukumpara lang kase ng PDI Editorial, 'gaya ng POWER na taglay no'n ni SP Avelino, eh taglay din umano ngayong panahon nina exSen Ed Ang Garapal at exRep Baham Mitra, para LUSTAYIN under their POWER, ang pondo ng ACEF grants (P410 million) na nakalaan para sa farmers and fishermen! Biro mo 'yun???"

CION: "Totoong-totoo 'yan porke si Sir Leo eh biktima rin mismo ng pandarambong na 'yan nina TANDEM legislaTONGS Angara/Mitra, kung kaya, napurnada ang kanyang DAPOG SYSTEM ng pagsasaka sa bayan ng Llanera, para sa buong 2nd District ng Nueva Ecija noong 1999. Sa kanyang project study, eh hinango ito ni Sir Leo sa KIBBUTZ system, a collective agricultural settlement in modern Israel, owned and administered communally by its members, upang ma-qualify SANA sa ACEF grants ng DA habang nakaupong DA Sec noon si Angara. MINTIS!!!"

No comments:

Post a Comment