ANA: "Talaga namang naghalo-halo na ang balat-sa-tinalupan noh? Pa'no, 'yun kasing gulo na idinulot ng listahan ni Janet sa intensiyong LABUSAWIN upang pagdudahan ng publiko ang EBIDENS na hawak ng OMB vs legislaTONGs, eh lalo pang gumulo nang ilabas ang ika-8 serye ng PDI reports mula sa printouts ng USB na kinopya naman mula sa HDD ng laptop ni Benhur Luy no'ng July 12, 2013. Ano ba yan!!!"
LISA: "Kung halimbawang maipakukulong lahat ang mga legislaTONGs na nakisalo sa SABSABAN ni Janet, eh me quorum at puede silang magsesyon pala sa loob ng kulungan, noh? Sige, bilangin mo, more than 150 TONGressmen plus more than 20 senaTONG, equals merong quorum, o, 'di ba?"
CION: "Kung susumahin, ang pangyayaring ito na marahil ang pinaka-NAKAKAHIYANG pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas na merong QUORUM ang mga mandarambong sa Gobierno mula sa Executive, Legislative at Judiciary. Pati ba naman ang tinaguriang FOURTH STATE (mediamen) eh kasalo rin sa sabsaban? Hay, nakakaGIGIL kayoooo!!!"
No comments:
Post a Comment