Monday, May 19, 2014

JAIL READIED FOR 3 SENATONGS IN CAMP CRAME?

ANA: "Ay naku, anong PAUTOT na naman ba ang pinasisingaw ng PNP under DILG at tila gumagawa na naman sila ng lihis sa kanilang function, kase, tarbaho ng BJMP under DOJ ang magbantay ng mga nakakulong habang dinidinig ang kanilang kaso, 'di ba Mar Roxas, Sir? Leila de Lima, Madam?"

LISA: "Ang tawag sa ganyan sa media parlance eh TESTING THE WATERS, 'eka nga. Kumukuha lang ng feedback ang PNP kung anong klase ng reaksiyon ang makakalap nila mula sa publiko re sa loob ng Camp Crame nila ikukulong 'yung 3 senatong na sina Tanda, Junggoy at Bobong Revilla as VIPs (VERY IMPORTANT PIGS)? Hay, talagang himala kung sa Kampo Crame sa halip na sa City Jail nga sila ikakalaboso noh???"

CION: "Ohoy! Sobra ka namang makapanlait noh? Walang-Himala! Bagkos, mga onorableng-tao sila, hindi sila BABOY, kundi, matatakaw LANG sumabsab ng kanilang sariling PORK BARREL, sa halip na ipantulong sana sa publiko bilang proyekto ng kani-kanilang Opis na pinondohan mula sa taxes ng sambayanang-Pinoy! So, ikulong 'yang mga 'yan sa CITY JAIL, pronto!!!"

No comments:

Post a Comment