Thursday, May 1, 2014

EDCA, A FICTITIOUS REASON SENATORS WANT TO TACLKE IN ORDER TO CONCEAL THE REAL ONE?

ANA: "Ano kaya ang tunay na dahilan kung bakit tila NANGANGAMBA ang mga senatong na ISINALI sa LIST (sworn statement) ni Janet na suki rin umano niya sa kanyang sabsaban, kung kaya nag-iingay upang ILIGWAK ang isyu sa pamamagitan ng pagtalakay sa EDCA? Hay, PRETEXT!!!"

LISA: "Eh, talagang guguluhin ang isipan ng publiko hinggil sa KATOTOHANAN ng listahan ni Janet na personal na isinumite nito ke SoJ LdL, kaya nga merong lumabas na dalawa pang listahan, galing ang isa ke exSen Ping at ang isa pa'y ke Sandra Cam. Sadyang hindi magkatulad ang mga nakalistang pangalan, so, alin sa tatlong listahan ang paniniwalaan ng publiko? Sige, hulaan mo!"

CION: "Hindi naman kailangang manghula ang publiko, kase, kita naman ang ebidens sa body language ng mga nadagdag sa listahan na sobrang super-ingay, merong di-masyadong maingay at merong a la TINAPALAN ng plaster ang bibig. Hhhurmmp, hummpppf! Basta ang maipapayo ko, no hah, magtiwala ang publiko na MAKUKULONG ang mga sabsabero, IN SAECULA SAECULORUM (for ever and ever)!!!"  

No comments:

Post a Comment