Wednesday, May 14, 2014

BRENDA DEALS BELOW-THE-BELT BLOW TO PING

ANA: "Naku, umariba na ang talas ng pangangatwiran ng isang abogaga 'gaya ni Brenda nang kutyain si Ping na isa umanong BADING matapos kumpirmahin ni Ping na kasali sa listahan ang pangalan ni Brenda na isa rin sa KASALO sa sabsaban ni Janet. Hay grabe, 'di ba?"

LISA: "Uh-unga 'ga. 'Yung programa kasi ng ABS-CBN eh sasagot lang ng YES or NO ang isang tinatanong at sumagot nga ng YES si Ping sa tanong na: (Lacson answered in affirmative when asked if Francis Escudero, Alan Peter Cayetano, Gregorio Honasan, Budget Sec Florencio Abad, and SANTIAGO were on the list?) Patay kang bata kaaah!!!"

CION: "Sa totoo lang noh, naging KENKOY na lahat ang hitsura ng buong Senado, kase, lahat-lahat silang 24 na senador eh pulos TANGGERO. Ibig sabihin, lahat-lahat sila eh tumatanggi na nagsalo-salo sa SABSABAN ni Janet, bukod pa sa nilinaw din ni Ping na kasalo rin daw si aBAD na boss ng DBM! O, biruin mo 'yon? Nakanang-ina talaga Brenda, huuu!!!"


:

No comments:

Post a Comment