Saturday, May 24, 2014

THE BENHUR LUY FILES: TO CONNECT THE DOTS

ANA: "O, kitam? 'Yung mga blogger na satiriko re PDAF scam eh halos lahat sila ngayo'y me kanya-kanya nang ANALISACION!!! Ay! sikat-na-sikat talaga tayo bilang KAPURAL, kase,  nagbabaga sa ngitngit ang mga legislaTONGS sa ating continuous SATIRICAL MASSAGE (alipusta) laban sa kanila thru the internet, o, 'di ba?"

LISA: "Oy, hindi lang legislatongs kundi maging ang tri-media at SPINNERS eh nasagkaan sa kanilang rotinaryong pag-orbit para sa kanilang pang-ac/dc news, eh pa'no kase, hindi nila kayang GIBAIN 'yung 13-serye ng Benhur Luy Files na sunod-sunod IBINUDBOD at ITINAKTAK sa Internet ng PDI, 'gaya ng paglabusaw ng mga bayarang spinners sa NAPOLIST? Hay, mga HANGAL!!!"

CION: "Kaya manalig ka na ngayon 'day, na ang Benhur Files na kasalukuyang ISINASAMBULAT ng PDI  sa Internet will certainly connect the dots, 'eka nga ng mga taga-Nueva Ecija, upang mapagTAGNI-TAGNI ang tunay na pagmaneobra sa malawakang pandarambong ng taxpayer's money ng mga onorabol mula sa 3 branches of Gov't sa pangunguna ng mga taga-Legislative, sa Executive, sa Judiciary at maging sa FOURTH STATE (media) na dating kinabibilangan din ni Sir Leo! 'Tsaka pala ang Simbahan? Que barbaridad!!!"

No comments:

Post a Comment