Thursday, May 15, 2014

DRILON, MARCOS, SANTIAGO, LAPID, VILLAR & RECTO ARE NOT ON THE NAPOLIST BUT ARE IN THE RECORDS OF LUY

ANA: "O, kitam? Umipekto na 'yung pagLABUSAW sa ebidensiya laban sa mga nasasangkot sa PDAF scam! Para bagang bola ng bowling na gumugulong at puntirya ang kingpin para sa strike. Whammm, kunana!"

LISA: "Ay sinabi mo. Pero lingid kay Janet na gumawa at nagsumite ng kanyang listahan mismong ke SoJ LdL sa OsMak kamakailan, eh nai-record pala sa USB ang HDD sa computer ni Benhur Luy ang lahat-lahat ng kanilang transaksiyon mula 2002 hanggang 2012! Saktong isang DEKADA, biro mo 'yon?"

CION: "Tumpak ka r'yan, 'day. So, lumilitaw na gustong ILUSOT ni Janet sa pagkakasangkot sa scam nina senaTONG Drilon, Marcos, Santiago, Lapid, Villar at Recto, kase, wala sila sa listahan ni Janet. Pero, 'lamobang ang 6 na SANITIZED senaTONG, eh naroroon sa USB na kinopya ng HINDI ALAM ni Janet mula sa HDD ni Luy? Hay, naKANAL 'yung bola ng bowling!!!"

No comments:

Post a Comment