Thursday, May 29, 2014

PDI's LUY FILES COMPLETE, WHILE NBI's LUY FILES INCOMPLETE

ANA: "Hindi ba parang ang pakiramdam ng NBI eh IMPERVIOUS sila ('di tinatablan ng hinala) para pagdudahan ng publiko na sila mismo ang me gawa ng DELETION sa hard disk drive (HDD) ni Benhur? Kung pagbabasehan kase ang history kung sino sa PDI at sa NBI naunang nakarating ang kopya ng HDD ni Luy, eh no'ng April 2013 pa natanggap ng PDI ang kopya, samantalang no'ng January 2014 naman DAW natanggap ang kopya para sa NBI, o, 'di ba?"

LISA: "Korek ka r'yan 'ga, ang tali-talino mo, peksman. Ang akala siguro ng NBI eh wala nang ibang kopya pa ng Luy's HDD ang naunang nailabas maliban sa kopyang naisumite sa Ombudsman. Ginawa MARAHIL ng NBI na labusawin ang HDD upang pahinain at paghinalaan ng publiko ang EBIDENS na nakatakdang isasampa ng Ombudsman vs mga kasangkot sa PDAF scam, sa SandiganBayan. O, ikaw, anong basa mo?"

CION: "Yes, yes yow. 'Yun kasing TINUTUNTON na anggulo ng NBI eh SUMAMBULAT mismo sa kanila na parang landmine, kase, hindi nila sukat akalain meron palang ilalabas na 13-serye ang PDI at hinimay-himay doon sa istorya kung sino-sino ang mga onorabol na nakiSABSAB sa PDAF. Samantala, BAKIT 'yung ibang personahe na totoong sangkot sa pandarambong eh BURADO na ng NBI before PDI's publication sa kanilang 13 serye ng Historia de un amor? So, sino ang pinuproteksiyonan ng NBI, ang taong-bayan o ang ilang nakapaligid ke PNoy? Ano ba talaga, ha, ATE???"    

No comments:

Post a Comment