Saturday, May 3, 2014

PMA HONOR CODE: WE, THE CADETS, DO NOT LIE, CHEAT, STEAL, NOR TOLERATE AMONG US THOSE WHO DO SO

ANA: "Masyadong halata na ang EPEKTO ng kahihiyang tinamo ng buong PMA resulta ng pagsibak ke Cdt Aldrin Jeff Cudia bago siya lubusang maka-graduate SANA sa PMA no'ng nakaraang buwan ng Marso, sanhi ng umano'y paglabag nito sa PMA honor code. Hay, juice koh, sobrang init, TANG inumin n'yo!!!"

LISA: "Eh pa'no kase, mas pinabibigat pa ng PMA ang lumalabag na kadete sa kanilang honor code kesa mga PMA graduates na lumalabag naman sa Revised Penal Code, 'gaya nina PMAers and exGen/s Ligot, Garcia at mga Euro generals, gayun din ang mga AFP CoS na merong milyon-milyon PABAON kapag nag-retire. Ano na nga pala ang balita sa kaso ng mga general problems na'to, ha???"

CION: "Suhestiyon ka lang 'to, 'no hah? Bakit hindi na lang ISARA nang tuluyan ang PMA, o, kung hindi man, eh palitan at i-anunsiyo na lang sa buong mundo ang kanilang magiging bagong IMPROVED honor code ng PMA: WE, THE PMAers, DO LIE, CHEAT and STEAL VS TAXPAYERS MONEY! Perfect, 'di ba???"

No comments:

Post a Comment