Thursday, May 22, 2014

THE BENHUR LUY FILES LISTED MYSTERY AGENTS WHO ARE NOT LAWMAKERS

ANA: "Ahay, grabe na talaga 'to t'song. Lahat na lang yata ng klase ng mga onorabol sa Pilipinas eh sangkot sa pandarambong, 'gaya ng MAJORITY sa dalawang Houses of TONGress (senaTONGs & TONGressmen), Cabinet SIKWATeries, ilang JUSTiis of the SC, mga obese po Damaso, ang tri-media, mga Heneral, at ngayon nga'y mga MYSTERY AGENTS daw na binudburan ni Janet ng P205 Million halaga ng kickbacks. Putragiz talaga."

LISA: "Kaya nga tayo eh napaghihinalaang SADISTA kuno vs mga mandarambong na pawang onorabol, kase, bakit daw pulos pangungutya, pang-uuyam o panunudyo (SATIRIZE) ang ating sinusulat laban sa kanila. Pero mapapansin mo siguro na HALOS LAHAT ng blogger, hindi lang dito sa Pilipinas, kundi sa BUONG PLANETA man, eh sumigla ang mga SATIRISTS against mga mandarambong na onorabol! O, 'di ba?"

CION: "Oy, 'lamobang hindi na rin sumisipot ang mga kinukumbidang onorabol para mag-guest speaker sa mga pagtitipon, kase, takot na makaharap ang mga heckler? Tiyak na wala silang maisasagot sa tanong tungkol sa PDAF scam, lalo't galing sa 2,156 folders mula sa HDD ng laptop ni Benhur ang katanungan. Ang files mula sa HDD ni Benhur eh ibinigay ng kanyang parents sa PDI no'ng April 27, 2013 sa intensiyong ISUMBONG sa taong-bayan ang malawakang pandarambong ng mga onorabol sa maneobra ni Janet. O, ikaw, gusto mong mag-HECKLER? Hala sige, BIRA, suportahan taka!!!"

No comments:

Post a Comment