Saturday, May 10, 2014

WEDDING ANNIVERSARY IN JAIL?

ANA: "Ay, malamang na sa city jail DAW mag-celebrate ng ika-25 anibersaryo ng kanilang kasal ng kanyang waswit si Sen Junggoy. 'Di ba parang PAAWA-EPEK 'tong hirit na namang 'to ni Junggoy sa media? Ano sa tingin mo, ha?"

LISA: "Oh yeah! Kung titingnan-ng-diretso, 'wag lang duling ang titingin, eh palagay ko nagpaparami nga ng kakampi si Junggoy para pagbuntunan ng SISI ang kanyang MALUPIT na kapatid-sa-labas na si Sen JV, kase, bakit pati raw si Sen JV eh pumirma ng (GO AHEAD) para i-file ensigida ng Ombudsman sa SandiganBayan ang plunder case na WALANG PIYANSA vs Junggoy kasama sina Tanda at Bobong Revilla?"

CION: "In FERNES, ginawa na kasi lahat-lahat ni Sen Junggoy ang scripted actions niya para MAHABAG sa halip na kumulo-sa-galit ang publiko sa kanilang salang pandarambong sa PDAF. Eh, mintis!  Kung sabagay eh me experience nang makalaboso si Junggoy, kasama niya noon si Panggulong Meyor Erap. Ang kahabag-habag talaga eh sina Tanda at Bobong Revilla na makukulong for the first time in their life, o, 'di ba? Hay, ang SAKLAP na kapalaran..."

No comments:

Post a Comment