Tuesday, May 27, 2014

"PRODUCE THE REDBOOK"

ANA: "O, ibang putahe naman ang gustong KALKALIN ngayon ni Lieyer Baluga para lalong labusawin at ANTALAHIN ang pagsasampa ng kaso ng Ombudsman vs 1st batch ng PDAF scammers sa SandiganBayan! Putragiz, hhuuu!!!"

LISA: "Uh-unga 'ga. Eh 'di ba sinibak nang abogago 'yang si Lieyer Baluga ng mga whistle-blowers, bakit tila nanggugulo na lamang ito sa pamamagitan ng pagpapakalat ng mga tsismis, ha? Anong redbook, redbook ang pinagsasasabi nitong bruhong 'to? Nakakapanggigil 'yang ginagawa mo ah, hindi na kami natutuwa sa'yo bu'set kang BALUGA ka!"

CION: " Sa mabusising AnaLisaCion, malakas ang aking higing na ito'y sadyang ikinakalat sa publiko na parang VIRUS mula sa kampo nina Tanda, Junggoy at Bobong Revilla, kasabay ng latest na NapoLIST ni Janet. Ito'y upang pasinungalingan, GIBAIN at pagdudahan ang listahan ng isang dekadang transaksiyon ng JLN mula sa HDD ni Benhur Luy na ginawang 13-serye ng PDI! O, alin ngayon ang kapani-paniwala? Ang laman ng HDD ni Benhur na HINDI PUPUEDENG labusawin o 'yung orkestrang Tanda-Janet-Baluga na grabe ang pagkaSINTUNADO? Sige, hulaan mo!"

  

No comments:

Post a Comment