Thursday, July 24, 2014

ALL CABINET SECRETARIES ATTENDED SENATE INQUIRY

ANA: "Alam mo 'ga, kung ihahambing noong panahon ni Ate Glo sa kanyang EO-464 (No cabinet secretaries should attend Senate inquiry), kabalintuna naman ngayon ang istilo ni PNoy. Kase, all his cabinet secretaries attended the Senate inquiry TO ANSWER whatever would be asked, o, 'di ba?"

LISA: "Napansin mo rin pala 'yan 'ga. 'Yun kasing EO-464 ni Ate Glo eh isang Order para BUSALAN ang lahat ng kanyang cabinet secretaries na magsalita para 'di mabisto ang mga katiwaliang ginagawa nila, partikular 'yung pandarambong ni Sec. Pechay na napaglilihian kong LUNURIN sa gitna ng Laguna de Bay, gwarkk!!!"

CION: "Totoo bang naglilihi ka? Sinong ama niyan? 'Wag lang sanang legislaTONG 'no ha? Well, malaking-malaki ang kaibahan talaga noon kesa ngayon. Noon kase eh lahat ng SC justices eh appointed ni Ate Glo, samantalang ngayon eh minorya pa rin sa SC ang PNoy appointed SC justices. So, 'yung Ate Glo appointed justices eh siempre bumotong UNconstitutional ang DAP. Samantalang NAKIKINABANG DIN ang SC sa DAP! Ay, ano ba 'yan???!!!"

No comments:

Post a Comment