ANA: "O, kitam? Sa halip na pag-usapan sa SB hearing ang inihaing agenda ng abogado ni Bobong Revilla na makapag-piyansa ito't makalabas ng kalaboso, eh nagmistulang OBSTINATE at todong nabulabog ang bodega ni Bodegun. Kase, 'di-sukat akalain ng lieyer na dala-dala pala sa backpack ni Benhur 'yung kanyang 500 gigabyte white hard drive na tinaguriang Benhur Files."
LISA: "Uunga 'ga. Parang atake ng Israeli ang tumama sa bodega ni Bodegun nang umpisahang MARKAHAN ng SB ang 'sangkaterbang ebidens na baon ni Benhur mula sa kanyang hard drive na una nang naisumite sa NBI 'tsaka ipinublika ng PDI. Nagmukha tuloy yagit ang abogado sa paningin ng publiko porke binalewala ng SB ang lahat ng kanyang objections, o, 'di ba?"
CION: "Ay, sinabi mo. Halatang PERPLEX ang lieyer, kasi nga, 'yung pinaghandaan niyang argumento sa open court para makapag-piyansa SANA si Bobong eh markings of evidence pala ang istratehiya ng mga prosecutors. In other words, MABUBULOK na sa kulungan ni Bobong! Buti nga."
No comments:
Post a Comment