Wednesday, July 23, 2014

PNOY SAYS SC HAS OWN DAP, SC KEPT QUIET

ANA: "Ay naloko na. Ba't parang nahimasmasan yata ang SC nang mapagtantong tila MALI pala ang ibinabang desisyon nila re UNconstitutionality ng DAP? Kase, ginagawa rin pala nila ang (CROSS BORDER) para maglipat ng pondo ng ehekutibo para sa proyektong infrastructure ng SC?"

LISA: "Uunga 'ga. Eksampol, tinatanong ng prosecuting attorney ang witness - (Isn't it true that you accepted P100 million to compromise this case?) - pero parang 'di naririnig ng witness ang tanong ng prosecutor na TATLONG beses pang inuulit-ulit ang tanong sa nabinging witness."

CION: "Totoong nangyari 'yan, peksman! Kase, nang utusan ng judge ang witness na sagutin ang tanong ng de-kalembang na prosecutor, eh sumagot sa open court ang witness (Oh, I thought the prosecutor was talking to you, Your Honor). O, 'di ba talagang nakakaloka 'yang senaryong 'yan?"

No comments:

Post a Comment