Wednesday, July 2, 2014

BONGBONG MARCOS RUNNING FOR THE PRESIDENCY???

ANA: "Kung impervious sa bullet ang kevlar helmet, eh puede ring ihambing sa kevlar helmet ang pagmumukha ni Imelda Marcos, porke impervious ('di tinatablan) ng HIYA ang kanyang mukha! Super walang-hiya noon, super walang-hiya din hanggang ngayon, peksman!"

LISA: "O, ba't sumasambulat ka yata sa galit laban sa mga Marcoses ha? Napipikon ka ba kase dahil sinabi ni Imeldific na DASALASANANSENS (that's a lot of non-sense) no'ng tanungin siya ng media kung makaka-apekto ba sa kandidatura ni Bongbong ang pagkakadawit nito sa PDAF scam? Ang dagdag pa kasi niya - (It's all politics!)"

CION: "Eh talaga namang nakakainsulto sa Pinoy 'tong mga pahayag na'to ni Imeldific dahil ginagawa niya silang HUNGHANG! Ibig niya kasing ILIHIS sa isipan ng publiko, partikular ang mga Ilokano, na 'yung ginawang pandarambong ng mga Marcoses no'ng panahon ng martial law eh IT'S ALL POLITICS? Oken nana met ngarud, ngitngit ng mga taga INRI (Ilocos Norte, Region I)."

No comments:

Post a Comment