Thursday, July 3, 2014

FAILURE TO IMPLEMENT RULES & REGULATIONS IN THE CUSTODIAL CENTER

ANA: "Alam mo 'ga, naaawa ako sa pagtrato ng mismong pamunuan ng PNP ke P/Supt Mario Malana, 'yun bang hepe ng Custodial Center sa Camp Crame. Tingnan mo, hindi naman ENGOT sina onorabol Junggoy at Bobong Revilla para HINDI IPA-ALAM verbally ke Chief PNP 'yung gaganapin nilang party sa compound ng detention center, 'di ba?"

LISA: "Uunga 'ga. Dapat kasi eh DAMAY diyan si chief-pnp PURIS under the rule of command responsibility. Kase, alam naman ng media at 'yung mga taartits na BWISITa na distinct ang rules na ipinatutupad sa Manila Zoo kesa rules na ipinatutupad naman sa custodial center. Dahil nagmistulang nasa manila zoo 'yung mga bwisita eh 'di NAPUYAT nga LAHAT 'yung 70 pang detainees dahil sa ingay ng mga HAYUP!!!"

CION: "Oy, oy, linawin mo nga 'yang sinasabi mo noh! Me napupuyat bang hayup na nakakulong sa Manila Zoo? Kung gan'on, eh dapat lang siguro na ipaalam 'yan ng media ke Panggulong Meyor Erap! Hay santisima, 'yun namang HUGAS-KAMAY ng cheap-pnp, eh dapat ding imbestigahan siguro ni DILG Sec Mr. Palengke para naman maresolba 'yung reklamo ng 58 sa 70 total na bilang ng detainees sa PNP Custodial Center. Anong say mo, Sec Mar Roxas, Sir?"

No comments:

Post a Comment