ANA: "Meron bang batas na puedeng SUWAYIN ang utos ng SandiganBayan dahil lamang sa isang DOCTOR'S CALL? Sabi ng ispokman ng BJMP eh inirekomenda raw ni Dr Anthony Lontoc, attending physician ni Gigi sa Taguig-Pateros Dist Hosp, eh insegida umanong ilipat si Gigi mula roon at isugod sa Phl Heart Center sa QC porke 'di raw makahinga si Gigi?"
LISA: "Ako! ako! Alam ko ang kaibahan ng emergency call sa doctor's call. Ang emergency call eh isasakay, halimbawa, sa ambulansiya ang pasyenteng naaksidente mula sa mga lansangan para isugod sa ospital. Samantala, ang doctor's call naman eh isasakay sa ambulansiya ang VIP patient mula sa Taguig-Pateros Dist Hosp, tulad ni Gigi, para ilipat ng PHC sa QC, kase, meron siyang paldo-paldong kuarta na pambayad mula sa pandarambong!!!"
CION: "Oke ako sa sapantaha mo 'day. Idagdag ko lang na 'yung kuarta ni Gigi na galing sa pandarambong mula sa taxpayers' money, eh malinaw na sa ISIPAN ng Pinoy, na pinakikinabangan ni Gigi bilang pangLAGAY para orchestrated na palabuin ng kanyang mga doctor, kasabwat ang mga taga-BJMP, na meron siyang MALUBHANG karamdaman upang (il)legal siyang mailipat sa PHC! Hay, purdoy na naman ang utos ng SB, o, 'di ba?"
No comments:
Post a Comment