Tuesday, July 1, 2014

SBN JUSTICE ONG HAS ORDERED CONG GMA SUSPENDED FOR 90 DAYS

ANA: "Naku, naku naman, maliwanag na pakulo 'to, BAGO! 'Di kaya mamumulubi ng todo-todo si Ate Glo sa ibinabang suspensiyon sa kanya ni SandiganBayan justiis ONG? Kase, hindi susueldo si Ate Glo ng 90 days, eh sa'n siya kukuha ng pantustos sa kanyang abogago, o, 'di ba? Hay, umasim talaga ang mukha ng lieyer kaya kailangang isawsaw sa bago-ong, peksman!"

LISA: "Ano 'yang narinig kong bagoong na pinagsasabi mo? Meron ka bang manggang hilaw samantalang lipas na ang panahon ng mangga, ha? 'Tsaka, sino ang tinutukoy mong SBN justiis na 'yan, 'yun bang katsokaran ni Janet Lim Napoles na laging nakikibahagi sa LOOT ni Janet bilang proteksiyon nito from being charged in the SBN? Dapat kase eh matagal ng SINIPA si bagoONG sa SBN ng SC, o, 'di ba?"

CION: "Me tama ka r'yan 'day. Kapag tuluyan nang sinibak si justiis Ong sa SBN, siempre pa, mawawala na rin ang amoy bagoONG sa SBN para siguradong wala nang sasagka sa proseso ng mga nakatakdang pagdinig ng SBN vs PDAF scam, partikular sa kasong mismong kinasasangkutan ni Janet. 'Yun nah!!!"

No comments:

Post a Comment