Tuesday, July 29, 2014

PRECIPICE PNOY STEPPED-BACK FROM

ANA: "Sabi ni CdQ (seediycute), este, hindi na pala siya cute, eh umiwas daw si PNoy na mahulog sa matarik-na-bangin (precipice). Ibig niyang sabihin, UMIWAS si PNoy na talakayin sa kanyang SONA ang tungkol sa DAP upang sa gano'n eh hindi maHULOG si PNoy sa banging malalim. Bagkos, para sa'ken, mas tumindi pa ang TIWALA at PANANALIG ng Pinoy ke PNoy nang maging emosyunal sa pagtatapos ng kanyang talumpati sa SONA, peksman."

LISA: "Uunga 'ga. Sa aking pagkakaintindi kase, nauunawaang maige ni seediycute na sino man ang mamanukin ni PNoy na presidential candidate eh tiyak-na-tiyak na ito ang mananalo at hahalili bilang Pangulo at magpapatuloy sa programa ni PNoy - (kung walang corrupt, walang mahirap). So, gusto ni seediycute, MARAHIL, na si Nognog ang pipiliin ni PNoy? Susmaryopes ka naman seediycute!"

CION: "So, ang dapat na gawin ni seediycute para mapabilang sa shortlist ni PNoy si Nognog para kandidato nitong pangulo ng Phl sa 2016, eh isumite ni Cutie sa publiko ang qualification ni Noggie, tulad sa isyu ng, 1. DasmaGate scandal ni Dayunyor, 2. Pangungulimbat ng waswit si Noggie, 3. Pangungulimbat ng anak na TONGreswoman gamit ang BULATE, 4. Nagpagawa ng pinaka-mahal na parking building sa ibabaw ng planeta, at 5. Dinastiya ng mga mandarambong! O, intiende???"

No comments:

Post a Comment