ANA: "At least, itong kusang pagsuko ng magsing-irog na sina Tanda at Gigi sa poder ng SBN kahapon (Biernes), sa palagay ko eh medyo natighaw ang poot, ngitngit at hinanakit sa dibdib ng Pinoy at umaasang ito na SANA ang turning-point para LITISIN ang mga mandarambong habang nakamatyag ang media at sambayanan upang FOOLPROOF sa palusot, o, 'di ba?"
LISA: "Me tama ka r'yan 'ga, ang talino mo talaga, sumpa man. Harinawang magdilang-angel ka ayon sa tinuran mo na HUHUPA (matitighaw) na ang ULULATION ng Pinoy vs mandarambong, partikular kina Tanda, Junggoy at Bobong Revilla, kase, pare-parehong tinanggihan ng SBN ang kanilang Motion to Bail, kabilang ang hiling din for bail ni Gigi. Hay, buti nga!!!"
CION: "Tandang-TANDA ko pa noong May 1, 2001 nang ipag-UTOS ni Enrile sa mga loyalist ni Erap na LUSUBIN at KUBKUBIN ang Malacanang at bugawin ang power-grabber na si GMA, pero napipilan ang Erap loyalists ng mga awtoridad. Hinuli si Tanda at ipinagsakdal sa kasong REBELLION na walang piyansa. Pero, ngitngit-ng-demonyo, nakapag-PIYANSA si Tanda ng P100,000 LANG at nakalabas ng kulungan! Hay, juice koh, TANG inumin n'yooo!!!"
No comments:
Post a Comment