By: Laoag Albano Paras aka Ole Sapra
Isa akong karaniwang mamamayan na mahilig mag-internet ang dumaranas ng panliligalig ng DB Global Opportunities (DBGO) o mas kilala sa tawag na BALIKATAN. Ang kompanyang ito ay nagtatag ng isa pang kompanya, ang BFS, bilang purpose company nito na magsisilbing implementor ng foreclosure ng low-cost housing sa buong Pilipinas. Mas una pa ang Balikatan na naghasik ng kapinsalaan sa mahigit 52,000 homeowner kaysa Globe Asiatique ni Delfin Lee na kasalukuyan ngayong nakakulong dahil sa kaso ring syndicated estafa.
Batay sa House Resolution 604 ni House Speaker Prospero Nograles noong June 2008, ay nagsagawa ng imbestigasyon ang Committee on Housing and Urban Development hinggil sa umano'y highly delinquent accounts na ibinenta ng National Home Mortgage and Finance Corporation, isang government-owned and controlled corporation, pabor sa Balikatan kasama ang implementor nitong BFS, pawang pribadong kompanya.
Natuklasan sa isinagawang imbestigasyon ng House Committee na sadyang pinapatungan ng Balikatan ng 300 percent ang reappraisal ng mga outstanding loan at binibigyan lamang ng 3 months grace period ang homeowner upang bayaran ng buo ang kanilang pagkakautang. At kung hindi makakabayad sa taning na 3 buwan, ang homeowner ay puwersahang palalayasin ng BFS sa kanyang bahay na parang busabos. Ang nakapagtataka ay kung bakit pending at wala pang Conclusion ang inilalabas ng House Committee hanggang sa isinusulat ito sa ginawang imbestigasyon batay sa Resolution 604 ni Speaker Nograles?
Sumulat ako noon kay Chairperson Leny de Jesus ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) para mag-avail ng Pag-IBIG loan sa Palmera II Subdivision, Taytay, habang kasagsagan ang impeachment trial laban kay Erap. Personal akong nag-follow up sa aking sulat sa HUDCC at nalaman kong nauna na palang sinuspinde ni Ms. De Jesus ang applications for housing loan sa buong bansa dahil sa utos niyang imbestigasyon hinggil sa umano'y talamak na "double-selling" ng mga housing units nationwide.
Noong March 23, 2001, (Ate Glo already took over the presidency) ay tumanggap ako ng sulat mula sa Secretary General ng HUDCC - "We wish to inform you that we have referred your request to the HDMF. You may wish to follow it up directly at the following address: Mr. Manuel Crisostomo, President, Home Development Mutual Fund, 8th Floor, Atrium Bldg., Makati Ave., Makati City. Tel. Nos. :816-4404; 816-4406. Thank you. Vty, (signed) Usec. Armando A. De Castro, Secretary General, HUDCC"
Nagsadya agad ako sa HDMF upang ipagbigay-alam sa kanilang may napili na akong bakanteng unit sa Blk. 4, Lot 14 Sapphire street at nais kong alamin baka mayroon nang naunang aplikante sa akin. Batay sa kanilang record, ang nasabing unit ay nakapangalan ang Title sa mag-asawang Carlos at Cheryl Ann Mangona, nakatira sa New Manila, QC. Ngunit ng personal kong tuntunin ang naturang address ay napatunayan kong sila'y mga fictitious.May annotation sa likod ng Titulo - "MORTGAGE: In favor of Palmera Homes, Inc., for the sum of P374,850.00 in accordance with Doc. No. 363, page no. 74, book no. 3, s. of 1992, of Not. Pub. For Makati, MM., Ma. Gemma G. Domagas. Date of instrument - August 24, 1992. Date of inscription - August 25, 1992 at 4:02 p.m. (Signed) Vicente A. Garcia, Ret. of Deeds." Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa kanselado ang nasabing annotation sa Title ng fictitious na mag-asawa.
Samakatwid, malaya kong inokupahan ang nasabing housing unit bilang adverse possession para sa aking pamilya sa ilalim ng Section 70, PD 1529. Sa loob ng halos 12 taon ay walang palya kong binabayaran kada taon ang amilyar ng inari kong house and lot upang umangkop sa aking Petition for Adverse Claim para legal na maipamahagi sa akin ang bagong titulo noong September 5, 2012. Sumasailalim sa "En Consulta No. 5403" ng Legal Division ng LRA ang aking adverse claim for approval.
Ngunit mula noon ay tunay na nakaririndi ang walang humpay na panliligalig ng BFS bilang "disposition strategy" nila para palayasin ang 52, 289 homeowners na may high-deliquency mortgage loan. This strategy was cooked up by NHMFC with the blessings of former NEDA Director-General Augusto Santos, ex-Pres. Ate Glo, VP and HUDCC head, Noli de Castro. Tinatayang P13 Billion ang portfolio ng "land grabbing syndicate na ito ng NHMFC, kasabwat si Balikatan-BFS Pres. Federico Cadiz Jr, Register of Deeds of Rizal at ang RTC-Antipolo Clerk of Court. Isinampa ko ang syndicated estafa case laban sa mga pinuno ng mga ahensiyang ito sa NBI noon pang December 11, 2012. Ano na ang nangyari?
No comments:
Post a Comment