Sunday, July 6, 2014

RULES OF ORDER

ANA: "Sabi ng Mabayan bloc sa House of representaTHIEVES eh at least ONE THIRD ng 290 strong House members, o suma total na 97 malalakas mangupit na TONGresmen, ang dapat na sumang-ayon o BOBOto, para kuno madala ang kaso sa Senado na magsisilbi bilang Korte para sa IMPITSMEN daw ni PNoy. Oke ba 'yon?"

LISA: "Well, well 'yan nga ang bilang (1/3) na pinagbabasehan ng mga gobiernong merong demokratikong porma ng gov't sa buong planeta sa pangunguna ng U S of A, batay sa sariling RULES OF ORDER ng kani-kanilang lehislatura. Pero sa isang banda, eh me nakikita akong problema. Pa'no ipupukpok ni SP Drilon ang MALLET ng Senate Court kung walang QUORUM dahil inaresto ang 20 senaTONG dahil sa paglustay ng kanilang DAP???"

CION: "Ayon sa Robert's Rules of Order Newly Revised - (The minimum number of members who must be present at the meetings of a deliberative assembly for business to be legally transacted is the QUORUM. The requirement of a quorum is a protection against totally unrepresentative action in the name of the body by an unduly small number of persons.) O, anong say mo, SP Frank Drilon, Your Honor, Sir?"

No comments:

Post a Comment