Monday, July 14, 2014

DIFFICULT TO UNDERSTAND

ANA: "O sige, magbugtungan tayo. Grabeng sumalempang si Bitoy na walang suot na helmet habang humaharurot sa kanyang motorsiklo do'n sa mismong gitna ng hi-way. Halos magkasabay na dumating ang police mobile at ambulansiya para mag-imbestiga at saklolohan si Bitoy na nakahandusay sa gitna ng hi-way. Sino dapat ang maunang dadampot ke Bitoy? Ang imbestigador o ang paramedic?"

LISA: "An'dali-dali naman ang sagot n'yang tanong mo. Eh 'di ang paramedic ang dapat unang dadampot ke Bitoy para isugod sa ospital at do'n na lamang sa ospital gumawa ng imbestigasyon ang pulis, o, 'di ba?"

CION: "Excuse mmeee!!! Mali, mali! Mali ang DESISYON ng SC!!! Bakit ipinag-uutos ng SC sa pulis na HULIHIN nito ang ambulansiya dahil sa NO PARKING??? Pababayaan na lang bang MATIGOK si Bitoy ng SC bago siya isugod sa ospital ng paramedic upang maisalba ang buhay? DAPlis-daplisan na naman ang desisyon ng SC, peksman. NakakaPUYOS ng damdamin ng Pinoy, grabeee!!!"

No comments:

Post a Comment